Saturday, August 1, 2009

SALAMAT, TITA CORY


Sinong mag-aakala na ang isang simpleng may-bahay ay uukit ng kasaysayan sa buong mundo.

Taong 1983, unang umalingawngaw ang pangalang Cory Aquino bilang isang biyuda ng isang pinaslang sa senador na kilalang tagapagtanggol ng mamamayang Pilipino. Ramdam ni Cory ang kanyang obligasyon bilang isang esposa na ipagpatuloy ang labang naiwan ng kanyang asawa at bilang isang Pilipino -ipaglaban ang karapatan ng bawat Pilipino.

Pagsasakripisyo at katapangan ang kanyang pinakita upang ilunsad ang makasaysayan at ang pinakamapayapang rebulusyon sa kasaysayan ng mundo, ang People Power. Nabuwag niya ang halos dalawang dekadang rehimen na nagpahirap sa bansang Pilipinas. Siya ang naging ikalabing-isa at unang babaeng presidente ng bansa at maging sa buong Asya. Pero sa kabila nito ay ang kailwa’t kanang mga problema na hinarap ng kanyang administrasyon gaya ng siyam na tankang kudeta at mga kalamidad pero lahat ng ito ay nalampasan nya dahil sa lakas ng loob, dedikasyon sa trabaho at pananalig sa Diyos.

Pinahanga nya ang buong mundo sa kanya at naging dahil upang makakamit ng maraming karangalan kabilang na ang 1987 Woman of the Year ng Times Magazine.

Hindi lamang siya kawalan ng kanyang pamilya kundi ng buong bansa at maging ng buong mundo. Ang bawat Pilipino ay mayroong puwang sa mga puso nila kung saan siya lamang ang namamayani doon.

Maaaring wala na ang Pilipinang nakadilaw pero ang kanyang pangalan, kontribusyon at ala-ala ay mananatili sa ating mga puso. Hinding-hindi natin makakalimutan ang kanyang kontribusyon sa bansang Pilipinas, ang demokrasya. Itutuloy natin ang labang sinimulan ng kanyang asawa na si Ninoy at ipinagpatuloy ni Tita Aquino para makamit ang mas maganda at maunlad na Pilipinas. Hindi lamang ito kontribusyon para sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Tita Cory, salamat sa inyong pamana sa ating bayan na mabubuhay sa ating puso’t isipan hanggang sa aming kamatayan na magsisilbing gabay sa para mapanatili ang ating demokrasya. Salamat sa pagbabahagi ng inyong sarili at paglilingkod ng buong puso. Salamat sa pagiging ina na kumalinga sa bawat Pilipino. Maraming, maraming, maraming salamat po at Paalam!

Sunday, July 26, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: LIPUNAN NI JUAN

Naduduwal ako sa samang nagkalat,
Sa katiwaliang
Mga matatanda ang puno at utak;
Ang dangal at puri’y nagdurugong sugat
Sa aking lipunang
Pinaghaharian ng mga mapilak.
Sa lipunang ito ako raw ay lamat,
Ako raw ay batik
Sa magandang ngalan ng aming kaanak;
Aking tinatanggap, oo, ako’y hamak
Sa lipunang itong
Kung pagmalasin ko’y parang isang kapak.

Minulat tayo sa isang lipunang tila unti-unting kinakain ng kanser. Mga katiwaliang pinamulan ng mga matatandang walang pinagkatandaan. Mahirap mamuhay sa isang lipunang nakakasakal at pinamumunuan ng isang taong walang inisip kundi pera lamang.

Kaming bagong henerasyon ay tinik daw sa lipunan dahil sa sobrang kapusukan. Doon nga lang ba natatapos iyon o dahil sa tayo ay isang henerasyon na marunong kumilatis ng isang pangyayari at marunong magtanong ng magtanong?

Siguro nga tinik tayo sa ating lipunan sa kadahilanang lahat ng bagay ay may tanong na kaakibat na minsan ay hindi na nila masagot at minsan ay lumalabas na ang kanilang motibo o tunay na kulay.

Ako’y kabataan ng naghihimagsik,
Pagka’t matalino -
Ang lahat sa aki’y dapat na makinig;
Kabataan akong pag hindi dininig,
Sa kakapo’t ko’y
Magiging Lucifer ng bagong daigdig!

*paunawa: ang lahat ng nailimbag dito sa SNJ ay isang interpretasyon lamang at kinuha ang kais span bilang isang kabuuan at hindi lamang sa isang aspeto.

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: ROBOTIC SCHOOL

…pinag-aral ako’t tinuruan
niyong mga gurong
robot kung ituring kami…


Tinututring nating pangalawang tahanan ang paaralan. Dito ginagabayan tayo at tinuturuan tayo ng ating mga guro na syang naming ating pangalawang magulang.

Pero bakit sa paaralang pinapasukan ng ating henerasyon lalo na ang mga nasa public schools ay kadalasang minamata ng kani-kanilang guro, kung ituring ang kanilang estudyante ay isang robot o kung minsan naman ay isang alila na kung utusan ay buong maghapon at wala ng ginawa [ang guro] kundi magpakasasa sa loob ng silid-aralan.

Sinasabing masuwerte ang isang bata kung sa isang pribadong paaralan s’ya makakapasok. May kani-kaniyang mga libro, may mga makabagong kagamitan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Pero talamak naman dito ang favoritism o paborotismo, kung saan na kapag may maling ginawa ang isang mag-aaral ay pinapalampas na lang ito at hindi na pinag-uusapan muli ngunit kung sa “ordinaryong” mag-aaral ito nangyari tiyak na hindi ka na hihingan ng paliwanag.

Pangalawang pamilya natin ang paaralan. Dito nagaganap ang karamihan ng paghuhulma sa’ting katauhan pero paano kung ganitong systema ang kinalakihan natin? Anong klaseng tao tayo pagdating ng panahon?

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: ROBOTIC SCHOOL

…pinag-aral ako’t tinuruan
niyong mga gurong
robot kung ituring kami…


Tinututring nating pangalawang tahanan ang paaralan. Dito ginagabayan tayo at tinuturuan tayo ng ating mga guro na syang naming ating pangalawang magulang.

Pero bakit sa paaralang pinapasukan ng ating henerasyon lalo na ang mga nasa public schools ay kadalasang minamata ng kani-kanilang guro, kung ituring ang kanilang estudyante ay isang robot o kung minsan naman ay isang alila na kung utusan ay buong maghapon at wala ng ginawa [ang guro] kundi magpakasasa sa loob ng silid-aralan.

Sinasabing masuwerte ang isang bata kung sa isang pribadong paaralan s’ya makakapasok. May kani-kaniyang mga libro, may mga makabagong kagamitan na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Pero talamak naman dito ang favoritism o paborotismo, kung saan na kapag may maling ginawa ang isang mag-aaral ay pinapalampas na lang ito at hindi na pinag-uusapan muli ngunit kung sa “ordinaryong” mag-aaral ito nangyari tiyak na hindi ka na hihingan ng paliwanag.

Pangalawang pamilya natin ang paaralan. Dito nagaganap ang karamihan ng paghuhulma sa’ting katauhan pero paano kung ganitong systema ang kinalakihan natin? Anong klaseng tao tayo pagdating ng panahon?

Saturday, July 18, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: SIMBAHANG BALUKTOT?!

Sa simbahan natin natutunan kung ano ba ang dapat iasal ng isang mabuting tao. Pero sa likod ng mga pangaral na ito, ang mga tao sa simbahan ay hindi rin nakaiwas sa kontrobersiya at tila nalamon na rin ng bulok na systema. Tulad ng Santo Papang si Alexander VI na nabuhay sa isang mundo na pera lang ang nagpapaandar at inabuso ang kapangyarihang magpatakbo ng Simbahan. Hindi rin nakaiwas ang mga Pilipinong pari na minsan ay nakabuntis at nasasangkot sa kung anu-anong eskandalo. Maging sa larangan ng pulitika ay nasali na rin gaya ni Gov Ed Panlilio ng Pampanga na hindi maiwasan mabahiran ng dungis dahil sa konspeto natin ng pulitika.
Sana ay hindi tuluyang malamon ng bulok na sistema ang simbahan, tinaguriang Alagad ng Diyos.

Friday, July 17, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON: TAHANANG WALANG LAMAN

Sa mga pangaral ako’y suyang-suya,
ang lahat ay bawal,
ang lahat ay mali, lahat masama;
Kung aking susundin yaong matatanda,
gusto yatang ako’y
maging tulad nila’t lumaking mulala?

Pati ang suo’t ko’y anilang masagwa,
ayaw sa makipot,
ayaw sa maikli, gusto’s hanggang lupa;
Lahat ng kilos ko ay minamasama
gusto yata ako’y
magparang tulala’t magbalik sa mula?


Kasabay ng pagsibol ng teknolohiya, sabay din ang pagsibol ng kabataan, sabay din sa uso. Mula sa pananamit, sa pagsasalita, at maging sa pananaw lahat ay iba mula sa kinagisnan ng mga matatanda. Tapos na ang panahon ni Maria Clara, hindi na uso ang pagsusuot ng mahahabang palda abot hanggang talamapakan, hindi na uso ang pagsusuot ng mala-polong damit. Hindi na uso ang mga musika-classical kundi ang mga tugtuging makabasag tenga na aming nakagisnan. Ang lahat din ay nadadaan naming sa mabilisan -sa pagtawag, sa pagsasalita, at maging sa pag-aaral; pero tinitiyak namin na kami’y may natutunan.

Mapusok ang kabataan ngayon. Lahat gustong gawin. Eksperimento kung baga pero alam naman natin ang ating limitasyon.

Sa mga pagbabagong iyon, huwag sana tayo agad husgahan dahil lamang sa hindi nila [sa mga nakakatanda] alam ang takbo ng panahon ngayon at ang kalakaran ng ating henerasyon. Sabi nila’y matalino ang ating henerasyon. Pag-asa ng bayan mula kay Rizal. Bakit hindi nila tayo bigyan ng pagkakataong ipakita ang ating magagawa? Kung maging matagumpay tayo gamit ang ating ‘alam’ na paraan edi mahusay, kung tayo nama’y bigo tsaka naman nila tayo alalayan para maituwid ang ating pagkakamali at punan ang puwang ang ating pagkukulang.

Monday, July 13, 2009

KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON



KABATAAN. TAYO. PAG-ASA NG BAYAN.

Naghuhumiyaw at naghihimagsik sa mundo, agnito ko mailalarawan ang kung ano ang saloobin kabaataan. Minulat tayo sa lipunang kung saan lahat ay baluktot -sa tahanang lahat ng nakatira ay abala sa kanya-kanyang “pansariling gawain”, sa simbahang kung saan ay nababalot na rin ng kontrobersiya at tila pera ang kalakaran doon, sa paaralang robot kung tayo ay ituring at sa isang lipunang puno ng kabalintunaang mga bagay at sunud-sunuran sa mga dayuhan.


Tunghayan natin ang apat na dahilan KUNG BAKIT KAMI GANITO NGAYON.